Less is more: Pagtatalaga ng mga tauhan sa pamahalaan

0
495

Ang pangunahing isinasaad at itinatadhana ng batas hinggil sa pagtatalaga ng mga officials and empleyado ng pamahalaan ay nararapat na nakabatay guidellines, rules and regulations ng Civil Service Commission (CSC).

Kung hindi ako nagkakamali, may mga sinasabi rin ang Local Government Code na may mga pagkakataong ang Chief Executive o Appointing Authority ay may pagpapasya na makapag talaga ng kawani kahit wala pang pagsang ayon ang CSC lalo’t kaya naman ng pondo ng bayan at tumutugma ito sa laki ng populasyon ng bayan at klasipikasyon ng bayan o ciudad.

Walang nakikitang problema sa ganitong mga batas at patakaran hinggil sa pagtatalaga ng mga public officials and employees basta’t sumasang ayon sa sinasabi ng CSC at kayang- kayang tustusan ng annual budget ng lungsod. 

Ang pamahalaan, partikular ang mga Local Governments Units (LGUs), bago magsagawa ng taunang budget ay inaalam muna sa Department of Budget  and Management (DBM) at local Budget Office  kung sumasang ayon ba at tugma ang gagawing pagtatalaga ng appointing authority. Pinag aaralan kung ang kabuuang dami ng mga tauhan ay papasok sa limitasyon ng taunang pondo para sa personal services o pasahod sa lahat ng opisyales at kawani.

Dito pumapasok ang kahalagahan ng Department of Interior and Local Government (DILG) at ng mga Sangguniang Pang Bayan, Panlungsod at Panlalawigan upang matutukan at mapaalalahanan ang mga Appointing Authorities sa kahalagahan ng tamang pag budget lalo na sa gugugulin para sa personal services. 

Tinalakay ito ng may akda sapagkat napapanahon ang mga bagay na ito sapagkat binabalak ng kasalukuyang Administrasyon ni Pangulong Ferdinand Edralin Marcos ang “rightsizing” ng mga national government offices. 

Kung ito ay ipatutupad nga ni Pangulong Marcos ay nararapat na ngayon pa lang ay ipagpatuloy ng mga LGUs ang pagsunod sa mga isinasaad at itinadhana ng batas hinggil sa pagtatalaga ng tauhan. Bukod sa makakatipid, hindi na kailangang mag rightsizing ang mga pamahalaang lokal.

Tama sinabi ni Scott Perry, “less is more.”

Author profile
sandy-belarmino
Sandy Belarmino

Si Sandy Belarmino ay 17 taon ng naglilingkod sa larangan ng pamamahayag. Naging broadcaster siya sa radyo at local TV.  Media correspondent din sya at columnist sa iba’t ibang dyaryo ng lokal sa San Pablo City. Si Sandy ay kasalukuyang pangulo ng Seven Lakes Press Corps.