Ex-Chairman sa Quezon, pinagbabaril sa loob ng karinderya

0
301

Candelaria, Quezon. Patay ang isang dating barangay kapitan matapos pasukin at pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin ang isang karinderya sa Brgy. Pahinga Norte, sa bayang ito kahapon.

Ayon sa ulat ng pulisya ang biktima ay kinilalang si Eduardo De Chavez Raymundo, 63 anyos na negosyante at dating barangay chairman ng Brgy. Pahinga Norte.

Batay sa paunang imbestigasyon, ang biktima ay nagngangasiwa sa konstruksyun ng  isang karinderya sa Buncayo Subdivision ng pasukin at barilin ng suspek.

Apat na bala ang tumama sa ibat ibang bahagi ng katawan ng biktima na naging sanhi ng agad niyang pagkamatay. Nakatakas ang suspek.

Wala pang ulat ang mga pulis kung ilan ang suspek at kung ano ang ginamit na getaway vehicle ng mga ito.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Candelaria Municipal Police Station hinggil sa motibo ng pagpatay at sa pagkakilalan sa salarin.

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.