May sinasabi sa atin ang Inang Kalikasan

0
1048

Nalugi ang maraming mamamakyaw at may taniman ng rambutan at lanzones ngayong 2022. Karamihan sa kanina ay nalugi  dahil sa malakas at mapanirang bagyo. 

Tila naging mailap ang masaganang ani para sa lahat sa taon na ito. Nitong nakaraang April, na dapat ay may mahabang tag init ay hindi nangyari. Maagang dumating ang tag ulan at hindi nagbigay ng maagang bulaklak ang Rambutan at Lanzones. Marami sa mga pumakyaw ay tumatangis na sila ay nalugi ng milyong piso ngayong taon. 

Sa normal na takbo, ang mga traders ay saganang sagana sa panahon ng tag ani ng prutas. Tiyak ang pagbalik ng kanilang puhunan. Minsan ay times five lalo na kung mahusay tumasa ang pumapakyaw. 

Maaring hindi natin naririnig ang mga mensahe ni Inang Kalikasan. Hini natin alntana ngayon ang mga epekto ng erratic na tag ulan at tag araw dahil hindi pa tayo apektado. O maaaring nagkibit balikat lang tayo dahil hindi tayo aware. Pero ang ganitong senyales ay nakakaalarma. Mga hudyat ito ng isang malubhang problema sa climate change na ating kakaharapin bukas makalawa. 

Kailangan bigyan natin ng pansin ang suliranin ito sa climate change dahil ang nakasalaylay dito ay ang food security ng sangkatauhan. Makakatulong kung magtatanim tayo ng mga puno partikular ang mga fruiting trees sa ating mga bukid. Nakakatulong ang mga puno ito sa paghawak ng tubig sa lupa bukod pa ang ibibinigay nitong pagkain, sariwang hangin at kanlungan. 

Ang isang puno ay may kakayahang mag imbak ng 30,000 gallons ng tubig,depende sa laki at klase ng puno. Ang Coconut tree ay kayang mag imbak ng 1,000 liters sa isang araw. Mga halimbawa ito ng puno na makakaulong upang maiwasan ang matinding pagbaha. Mahalaga na ang bawat isa ay may sapat na kaalaman tungkol dito –  bata man o matanda. 

Kailangan nating magtulungan sapagkat hindi natin kayang solusyunan ng mag isa ang problema na ating kakaharapin. Kailangan mag kapit bisig ang bawat isa sa iisang layunin at pananaw para sa maganda at maayos na kalikasan.

Kung hindi tayo kikilos ngayon, hindi lamang ang pagbunga ng mga punong kahoy ang magiging epekto ng climate change. Magiging mapanganib din ito para sa buhay ng sangkatauhan.

Author profile
Joel Frago

Si Joel Frago ay isang rehistradong Nurse at Midwife. Siya ay isa ring Pastor.  Naging magsasaka siya mula noong 2004 at nagkamit ng mga pagkilala at prangal sa larangan ng farming.  Pinarangalan siya bilang isa sa Ten Outstanding Pableño noong 2018.  Siya ang nataguriang Kusinero de Bukid ng Forest Wood Garden, isang agritourism destination na dinrayo ng mga turista mula sa loob at labas ng bansa.