Cruz-Angeles nagkasakit ng Covid-19; hinihimok ang publiko na magpa-booster jab

0
156

Nagkasakit ng coronavirus si Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, ayon sa kanyang pahayag ngayong Lunes.

Sa isang video na naka post sa kanyang official Facebook page, sinabi ni Cruz-Angeles na sumailalim siya sa real-time reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) testing noong Linggo at naging positibo ang kanyang mga resulta.

Sinabi ni Cruz-Angeles na wala siyang anumang sintomas, ngunit sasailalim siya sa isolation bilang pag-iingat hanggang sa matapos ang kanyang isolation period.

Hinikayat din niya ang publiko na kumuha ng kanilang Covid-19 booster shots upang mapanatili ang proteksyon laban sa sakit.

“Kukunin ko na rin po itong pagkakataon na manghikayat na magpabakuna tayong lahat at magpa booster. ‘Yun lang po,” dagdag niya.

Si Cruz-Angeles ang namumuno sa Office of the Press Secretary, na nangangasiwa sa mga operasyon ng state-run TV stations na PTV-4 at IBC-13, radio station Radyo Pilipinas, at Philippine News Agency. (PNA)

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.