Love Laguna! Mabuhay ang Laguna!

0
895

Nagtipon at nagpulong sa Doña Leonila Park sa lungsod ng San Pablo noong Agosto 17,2022 ang  business owners at tourism stakeholders sa pangunguna ni Ms. Pam  Peters Baun, Tourism consultant at OIC chief Peter Jaynul Uckung ng Laguna Tourism Culture Arts and Trade Office (LTCATO), Tourism Officer Ronnie Mora at iba pang taga LTCATO. Dumalo rin web developer na Simplevia, ang CHACTO San Pablo sa pangunguna ni Mike Antiporda para sa itinatatag na Love Laguna Tourism Campaign. 

Ayon sa paliwanag ni Ms Pam, ito ay programa  ng Provincial Government of Laguna sa pangunguna  ni Gov Ramil Hernandez at ng LTCATO para sa mga taga Lagunense. Ang unang pagpupulong ay naganap sa San Pedro, Laguna at ngayon araw na ito ay sa Lungsod naman ng San Pablo at sunod sunod na ang ibang mga bayan sa Laguna.

Ang misyon nito ay upang matulungan na panumbalikin ang  turismo sa lalawigan ng Laguna. Layunin din ng programang ito na matulungan ang mga business owners at tourism stakeholders na mai-promote ang kanilang business establishments at troursist destinations kasabay ng pagpasok natin sa better normal.

Unang makikinabang  dito ang mga business owners sapagkat sila ay magkakaroon ng karagdagang plataporma upang ipagmalaki sila at makahikayat ng mga turista na pasyalan ang kanilang lugar

Pangalawa, mismong ang mga turista magpaplano ng kanilang pamamasyal sa Laguna sa pamamagita ng app ng Love Laguna. 

Ikatlo, makabubuti ito sa local community sapagkat ang programang ito ay sumusuporta sa mga SMEs na mai-promote din ang kanilang mga produkto at inaasahang makakatulong na madadagdagan ang kanila kita  sa ordering at delivery service ng Love Laguna app. 

Maganda ang programang kanilang binubuo. Nawa’y ito na nga ang maging bagong simula ng pagbangon ng mga kababayan nating nalugi ang mga hanapbuhay.

Tunay nga na ang susi sa tagumpay ay nasa pagsasama sama at pagkakaisa ng lahat. Ang kanya kanya nating kakaibang kwento ay magsisilbing unique selling point upang tayo ay muling dayuhin, pag usapan at balik balikan.

Suportahan po natin ang Love Laguna. Mabuhay ang Laguna!

Author profile
Joel Frago

Si Joel Frago ay isang rehistradong Nurse at Midwife. Siya ay isa ring Pastor.  Naging magsasaka siya mula noong 2004 at nagkamit ng mga pagkilala at prangal sa larangan ng farming.  Pinarangalan siya bilang isa sa Ten Outstanding Pableño noong 2018.  Siya ang nataguriang Kusinero de Bukid ng Forest Wood Garden, isang agritourism destination na dinrayo ng mga turista mula sa loob at labas ng bansa.