NDRRMC: 2 patay sa pananalasa ng ‘Florita’

0
248

Dalawa ang kumpirmadong patay dahil sa pananalasa ng Severe Tropical Storm Florita, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kanina.

Sa update nito, sinabi ng ahensya na kabilang sa bilang ang isa mula sa Ilocos Region at ang mula sa Cordillera Administrative Region (CAR).

Samantala, tatlo naman ang kumpirmadong sugatan sa Cagayan Valley.

Sumasailalim pa rin sa validation ang mga ulat ng isa pang namatay at isa ang nasugatan mula sa Bicol.

Samantala, ang mga apektadong pamilya ay nasa 11,953 o 47,169 katao na naninirahan sa 392 barangay (villages) sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Calabarzon, CAR, at National Capital Region (NCR).

Habang isinusulat ang balitang ito, 1,726 na pamilya o 6,623 na indibidwal ang nakasilong sa 129 evacuation centers at ang natitira ay nakikisilong sa mga kamag-anak at kaibigan.

Nasa 30 bahay ang naiulat na nasira sa Ilocos Region, Cagayan Valley at CAR, 26 dito ay “partially damaged” habang apat ang “totally damaged”.

Wala pang inilalabas na ulat ang NDRRMC tungkol sa pinsala sa imprastraktura at agrikultura na dulot ng ‘Florita’. (PNA)

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.