Live in partner arestado sa buy bust ops sa San Pablo City

0
492

San Pablo City, Laguna. Arestado ang mag live in partner na suspek na drug pusher at nasamsam sa kanila ang PhP 60K na halaga ng shabu sa isang anti-illegal drugs buy-bust operation na ikinasa ng San Pablo City Police Station (CPS) kahapon.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G. Silvio, Officer-in-Charge ng Laguna Provincial Police Office ang mga suspek na sina Arvin Esguerra Trinidad, 40 anyos at Teresa Antonel Vicente, 40 anyos na vendor, pawang mga residente ng Israel Village, Brgy. San Antonio 1, San Pablo City Laguna.

Nakuha sa mga suspek ang 5 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng PhP 60,000.

“Sa pamumuno ng ama ng kapulisan layunin at hangad nito ang sugpuin ang illegal  drug trade. Pupuksain ng Laguna PNP ang lahat ng mga gumagamit ng droga sa aming nasasakupan,” ayon kay Silvio.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.