Gun dealer arestado sa Cavite

0
502

Tanza, Cavite. Inaresto ng mga elemento ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) 4A-Cavite ang isang hinihinalang nagbebenta ng armas. Nakumpsika  ang ilang mga baril at bala mula sa kanyang pag-aari sa isang pagsalakay na isinagawa sa bayang ito.

Kinilala ni Col. Marlon Santos, CIDG4A director, ang suspek na si Romeo Dizon Sr., isang negosyante.

Ayon kay Santos, ang suspek ay bumibili at nagbebenta ng mga loose firearms at tinitingnan din ng pulisya ang ulat na ilan sa kanyang mga kliyente ay miyembro ng gun-for- hire gang na nago-operate sa Cavite. 

Si Dizon ay dinakip ng mga operatiba ng Cavite-CIDG 4A sa pamumuno ni Major Jet Sayno sa bisa ng search warrant na inisyu ni Hon. Ralph Arellano, Executive Judge ng Regional Trial Court, branch 132, Naic, Cavite.

Hinalughog ng mga pulis noong Huwebes ng gabi ang bahay ni Dizon sa Brgy. Sanja Mayor at nakuha mula sa suspek ang mga baril na cal. 30, carbine rifle, caliber .45, Armscor pistol, 9mm, caliber 38 revolver Smith and Wesson.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.