Nakatakdang makipag pulong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga Filipino community sa kanyang state visit sa Indonesia at Singapore, sinabi ng Malacañang noong Sabado.
Ang pulong ay magsisilbing plataporma para matiyak ni Marcos sa mga overseas Filipino worker (OFWs) na ang kanilang kapakanan at proteksyon ay pinakamahalaga, ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa isang Facebook post.
Si Marcos ay magsisimula sa kanyang inaugural state visit sa dalawang bansa sa Southeast Asia sa Setyembre 4 hanggang 7.
Bibisita muna siya sa Indonesia sa Setyembre 4 hanggang 6 at tutuloy sa Singapore sa Setyembre 6 hanggang 7.
Ang Indonesia ay tahanan ng humigit-kumulang 8,000 Pilipino, habang ang Singapore ay nagho-host ng higit sa 200,000 overseas Filipinos.
Nakatakdang makipag pulong si Marcos sa mga miyembro ng Filipino communities sa Indonesia at Singapore sa Setyembre 4 at 6.
Ang mga kalahok ay kinakailangan mag register online, dahil ang walk-in ay hindi tatanggapin.
Para sa mga hindi makakadalo, ang mga kaganapan ay magiging live-stream.
Ang mga state visit ni Marcos ay nagpapakita ng kahalagahan ng Pilipinas sa relasyon nito sa mga bansa sa Southeast Asia, ayon kay Foreign Affairs spokesperson Ma. Teresita Daza noong Biyernes.
Sinabi ni Cruz-Angeles na makikipag pulong si Marcos sa kanyang mga katapat gaya ni Indonesian President Joko Widodo at Singaporean President Halimah Yacob.
Inaasahang makikipagpulong din si Marcos sa bussiness leaders sa dalawang bansa upang mag-imbita ng mas maraming pamumuhunan sa Pilipinas. (PNA)
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo