Seminar sa mahusay na pamamahala ng LGU, idinaos sa Magdalena

0
414

Magdalena, Laguna.  Nagsanay hinggil sa Formulation of Executive-Legislative Agenda ang mga miyembro ng lokal na pamahalaan ng bayang ito sa pamumuno ni Mayor Peter C. Bucal  kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan na pinangunahan ni Vice Mayor Maximo B. Sotomayor.

Dumalo dito ang mga pinuno ng iba’t ibang ahensya at departamento ng pamahalaan lokal.Pinangunahan ni Municipal Local Government Operations Officer  (MILGOO VI-DILG) Ma. Aurora A. Robles ang tatlong araw na seminar and workshop.

Layunin ng  nabanggit na programang na maisagawa ang wasto at tamang paraan ng pagbabalangkas ng mga proyekto at programa ng local government tungo sa pag unlad. Hanagd din nito na magtaguguyod  ng nagkakaisang pananaw, misyon at layunin.

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.