CESPO Aguilar, nagdaos ng kaarawan sa Bahay Pag asa

0
783

Biñan City. Idinaos ni PEMS Marco Aguilar, Police Station Executive Senior Police Officer ang kanyang ika 49 na kaarawan sa kasama ang mga bata sa Bahay Pag asa rehabilitation shelter na nasa pangangasiwa ng City Social Welfare and Development Office at Barangay San Antonio, lungsod na ito kahapon.

Ang grupo ni Aguilar at mga bata sa nabanggit na rehabilitation center ay nagsalosalo sa isang masaganang merienda at ipinamahagi ni PLT Donna Coriza Benilda Gaurano  ang mga prutas at grocery bags sa bawat bata.

Ang outreach program na ito, ayon sa report ay nagsisilbing inspirasyon sa mga bata upang sila ay mabigyan ng bagong pag asa sa kabila ng kanilang kalagayan. “Palaging may pag-asa, pangako ng pagbabago, gobyernong maaasahan at mga taong handang sumuporta, kaya kabataan, huwag mawalan ng pag-asa,” ayon kay Aguilar sa kanyang mensahe.

Kasabay ng nabanggit na selebrasyon na may temang  “Pag-Asa sa Bahay Pag-Asa” ang ika 25 taon ng paglilingkod na PSBRC Class Pag-Asa 1996-02. 

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.