32 MWP arestado sa ilalim ng “Warrant Day” ng Laguna PNP

0
442

Sta. Cruz, Laguna. Inaresto ang 32 akusado sa Laguna sa isang maghapon kasabay ng Warrant Day noong Setyembre 15, 2022, ayon sa ulat ni Laguna Police Provincial Office, Officer-In-Charge ng Laguna Police Pprovincial Office Police Colonel Randy Glenn G Silvio, kay CALABARZON Regional Police Director Brigadier General Jose Melencio C. Nartatez Jr.

Ang Warrant Day ng Laguna PNP ay matagumpay na ipinatupad sa pamamagitan ng mga nakalap na impormasyon mula sa Barangay Intelligence Network (BIN’s) at sa aktibong suporta ng mamamayan ng Laguna.

Sa kabuuan, nagsagawa ng 32 operasyon ng Warrant of Arrest ang buong pwersa ng Laguna PNP, na nag resulta sa pagkahuli ng TOP no.

Kabilang sa mga nadakip ang rank 1 most wanted person (MWP) ng Paete Laguna at tatlumput-isang iba pang akusado.  

Kinilala ni Police Colonel Silvio ang rank 1 MWP ng Paete Laguna na si Stanley Maxjinzon D. Asido,19 anyos na college student atresidente ng 26 C.M Recto St., Brgy. 3, Ermita, Paete, Laguna, 

Ang mga nadakip ay nakakulong ngayon sa custodial facility ng kani-kanilang operating units habang ang korteng pinagmulan ng mga warrant of arrest ay inaabisuhan hinggil sa pagdakip sa kanila. 

“Ang Warrant Day ng Laguna PNP o Simultaneous implementation of warrant of arrest provincewide ay pina-igting ng ating mga kapulisan dito sa Laguna. Patuloy naming ipatutupad ang batas at huhulihin ang mga nagtatagong mga kriminal, para sa kaayusan, kapayapaan, at kaunlaran ng lalawigan,” ayon kay Silvio.

Sinabi naman ni Nartatez na ang dedikasyon ng kapulisan ng Laguna para sa matagumpay na pagkahuli sa 32 na akusado ay kanyang pinupuri. “Ang warrant day ng Laguna PNP na ito laban sa mga nagtatagong mga kriminal ay isang kahanga-hangang PNP strategy upang sabay sabay na hulihin ang mga wanted person,” dagdag pa ni Nartatez.

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.