18 poker players arestado sa anti-illegal gambling ops ng San Pablo CPS

0
319

San Pablo City, Laguna. Arestado ang 18 naglalaro ng iligal na pusoy sa lungsod na ito sa ilalim ng Anti -Illegal Gambling operations ng San Pablo City Police Station at ng mga elemento ng Regional Intelligence Division 4A-Regional Special Operation Unit(RID4A-RSOU) kamakalawa, ayon sa ulat ni Laguna Police Provincial Office, Officer-In-Charge, Laguna PPO, Police Colonel Randy Glenn G. Silvio, kay CALABARZON Regional Police Brigadier General Jose Melencio C. Nartatez Jr.

Kinilala ni  Silvio ang mga suspek na sina Julius Floresta, 38 anyos na driver at residente ng Brgy.Tambo, Lipa City, Batangas, Jonathan Ting, 36 anyos na negosyante at residente ng Brgy. Bambang, Nagcarlan, Laguna, Roilan Lajara, 34 anyos na negosyante at residente ng Sampaguita West Subd.,Brgy. Sampaguita, Lipa City, Batangas, Noel Maningat, 43anyos na negosyante at  residente ng Caritonan, Calatagan, Batangas, Jeffrey Austria aka LOLOY, 40 anyos na negosyante at residente ng Brgy.Bagong Bayan, San Pablo City, Laguna, Alvin John Rosales, 33 anyos na residente na naninirahan sa Natatas, Tanauan City, Batangas, Leonard Aban, 44 anyos na game organizer Poker Manila at residente ng 158 NP. Gomez St., Brgy.5 Caloocan City, Shirley Eustaquio y Mendoza, 39 anyos na residente ng Brgy.bagong Bayan, San Pablo City, Lagunal, Christain Juinio, 33 anyos na nagsilbing card dealer na residente ng D.M. V.2 Brgy. Bagong Bayan, San Pablo City, Laguna, Lowel Jay Jarina, 21 anyos na residente ng Brgy.San Gregorio, San Pablo City, Laguna, Wilson Cahilig 34 anyos at nakatira sa #397 Zone 54, Natatas, Tanauan City, Batangas, Jericho Exconde, 23 anyos na pintos na naninirahan sa Dulong Bayan Phase 2, Brgy.Bagong Bayan, San Pablo City, Laguna, Jamers Aban 25 anyos na driver na nakatira sa Brgy.Sangandaan, Caloocan City, Julius Caesar Parel male, 34 anyos na residente ng 203 Santiago, Malvar, Batangas, Judith Ramirez, 38 anyos na naninirahan sa 409 San Agustin 1, Dasmarinas city, Cavite, Mardie Claire Dela Cruz 38anyos na resto bar supervisor at naninirahan sa PNR Compound, Brgy.Bagong Bayan, San Pablo City, Laguna, Josephine Alimagno, 22 anyos na waitress at residente ng Brgy.III-D, San Pablo City, Laguna at Byron Datinguinoo, 38 anyos na residente ng Brgy.Bucang, Nasugbu, Batangas.

Alinsunod sa direktiba ni PBGEN JOSE MELENCIO C NARTATEZ JR, ARD, PRO4A sa kampanya laban sa Illegal Gambling, ang mga tauhan ng RID4A-RSOU kasama ang San Pablo CPS ay nagsagawa ng anti- gambling operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga 18 suspek habang naglalaro ng Poker bandang 3:20 ng umaga, September 15, 2022 sa Sandra Torres Resort, Reverina Subdivision Brgy San Rafael, San Pablo City, Laguna.

Nakumpiska sa mga suspek ang halagang Php 461,406.00 na bet money, poker chips at mga gamit sa paglalaro ng sugal na poker.

Nakakulong ngayon ang mga dinakip sa custodial facility ng San Pablo CPS habang inihahanda ang kasong paglabag sa PD 1602 as amended by RA 9287.

“Ang mga ganitong uri ng ilegal na pagsusugal ay hindi natin palalampasin. Binalaan ko naman ang mga illegal gamblers na na ihinto ang kanilang mga illegal na aktibidad na pagsusugal dahil tiyak na sila ay mananagot sa ilalim ng batas,” ayon kay SIlvio. 

Sinabi naman ni Nartatez na kabilang kanyang prayoridad ang pagpapalakas ng kampanya laban sa iba’t iba uri ng illegal na pasugalan.” Ang mga illegal gamblers ay nararapat lamang na panagutin sa kanilang illegal na aktibidad.” ang mariin niyang pahayag.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.