Makararanas ang kalakhang Luzon ng mga pag-ulan dulot ng habagat, ayon sa weather bureau kanina.
Kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang iiral sa Metro Manila, mga lalawigan ng Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, at hilagang bahagi ng Palawan kabilang ang Kalayaan Islands.
Ang mga flash flood o landslide ay malamang sa mga lugar na ito dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Ang natitirang bahagi ng bansa ay magkakaroon ng isolated rain showers dulot ng localized thunderstorms.
Katamtaman na hangin at katamtamang pag-alon ang iiral sa extreme Northern Luzon.
Sa ibang lugar, ang hangin ay magiging mahina hanggang sa katamtaman na may banayad hanggang sa katamtamang pag-alon ng karagatan.
Samantala, sinabi ni PAGASA forecaster Aldczar Aurelio na walang low pressure area na namonitor sa loob ng Philippine Area of Responsibility. (PNA)
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo