Suspects sa Seven Eleven armed robbery arestado sa Laguna PNP

0
171

Calamba City, Laguna. Arestado sa pinagsamang intel-driven operation ng mga tauhan ng Laguna Police ang mga suspek na sangkot sa serye ng armadong pagnanakaw sa mga convenience stores sa Laguna, sa kahabaan ng Ruhale St., Brgy. Calzada-Tipas, Taguig City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na sina Mark Brylle Garcia, 19 anyos na residente ng Brgy. Sta Ana, Taguig City kasama ang dalawang katropang babae na sina Arlyn Guese De Leon, 25 anyos na residente ng Brgy. Calzada-Tipas, Taguig City at alyas “Abby,” isangmenor de edad na residente rin ng Taguig City.

Ang pag aresto ay isinagawa sang ayon sa direktiba ni Regional Director, PBGen Jose Melencio C Nartatez, Jr., sa Laguna Provincial Intelligence Unit, San Pedro at Cabuyao police na nakipag-ugnayan sa Taguig at Ususan Police Stations upang isagawa ang ‘OPLAN Sita’ sa Ruhale St. Brgy Tipas, Taguig City.

Sinimulan ang operasyon matapos ang masusing pagsusuri sa CCTV footages mula sa insidente ng pagnanakaw sa 7-11 branches sa Cabuyao at San Pedro City, kung saan nakita ang mga suspek na may kasamang dalawang babaeng sakay ng carnapped na motorsiklo patungo sa Taguig.

Sasampahan ng kasong paglabag sa RA 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” si Macling habang haharap naman sa kasong paglabag sa RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Act of 2002” at RA 10883 o “The New Anti-Carnapping Law” ang ang dalawang babaeng dinakip.

Narekober din sa mga suspek ang isang puti at isang itim na Honda Click 125 na motorsiklo na nakarehistro sa pangalan ng may ari na si Jhumar Castro. Nakuha rin ang iba pang ebidensya tulad isang .9mm caliber Shooter, isang magazine, limang piraso ng 9mm live ammunition, isang hand grenade, isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang 5.97 gramo na may halagang SDP na Php40,596.00 at isa pang plastic sachet na naglalaman ng 1.9 gramo ng marijuana na nagkakahalaga ng Php 418.00.

Magsasampa ng supplemental affidavit of complaint ang Cabuyao City Police Station sa Cabuyao Prosecutor’s Office laban sa dalawang natitirang at-large na suspek na kapwa menor de edad kaugnay ng naunang isinampang Robbery case laban kay Denver Cabrera Redaja na nasa legal na edad at residente ng San Pedro City, Laguna.

Samantala, kinilala ni Nartatez ang pagsisikap ng nagsanib na mga operatiba sa kanilang walang humpay na follow-up operation laban sa mga suspek. Nagpahayag din siya ng pasasalamat sa Taguig PNP sa kanilang tulong sa paglutas sa krimen ng mapanganib armed robbery sa mga convenience store sa Laguna at iba pang lugar.

“Indeed, it is true that if we work together, we will be able to immediately resolve crimes in our area. Tuloy-tuloy lang natin ang mga magagandang accomplishments na kagaya nito upang mas lalo pa nating mapanatili ang kaayusan at kaunlaran ng CALABARZON”, ayon sa Regional Director.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.