PhP 1.6M shabu nakumpiska sa mag ina, pamangkin sa Rizal

0
177

San Mateo, Rizal. Dinakip ng mga awtoridad ang isang mag- ina at pamangkin nito habang tinatanggap ang marked money sa isinagawang buy-bust sa No.6, Road 2, Rafaela 2, Brgy. Ampid, sa lungsod na ito kaninang 2.30 ng hapon.

Ayon sa pahayag ni PSSgt. Ederico Edrick Zalavaria, may hawak ng kaso, kinilala ang mga suspek na sina Joana Babasa, alias ” Joan”, 39 anyos, ang anak nito na si Ana Mae Oliva Babasa, 21 anyos at pamangkin nito na si Noevie Guzman 

Si alias Joan, ayon kay Zalavaria ang isa sa high value target ng kanilang himpilan at responsable sa malakasang pagbebenta nito ng ng shabu sa ilang bayan sa Rizal. 

Batay sa isinagawang imbestigasyon ng San Mateo Municipal Police Station (MPS), ginagamit na courier ng droga ni Joan ang dalawa pang suspects.

Sa pamamagitan ng isang police asset, natunugan ang gagawin bentahan ng shabu at agad naglatag ng isang entrapment ang mga nabanggit na MPS.

Huli sa aktong tinatanggap ng tatlo ang sampung libong pisong marked money na naging sanhi ng kanilang pagkakadakip.

Nakumpiska sa tatlo ang tinatayang 240 gramo ng shabu na ayon na nagkakahalaga ng PhP1.6 milyong piso.

Nakakulong ngayon sa Rizal custodial cell ang mga suspects at nakatakdang humarap sa kaso laban sa illegal drugs.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.