Nagpadala ang United States ng mga food packs at 3,000 shelter-grade tarpaulin bilang tulong sa mga pamilya sa mga rehiyon ng Central Luzon at Calabarzon na apektado ng pinsalang dala ng Bagyong Karding.
Sinabi ni US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson kanina na ang US Embassy sa Maynila ay patuloy na makikipag-ugnayan sa gobyerno ng Pilipinas at sa mga kasosyo nito upang matulungan ang mga komunidad na naapektuhan ng Super Typhoon Karding.
“In response to Typhoon Karding, we are standing by our friends, partners, and allies: the US government, through the US Agency for International Aid (USAID), is supporting national telecommunications and logistics operations by supplying five trucks to deliver food packs and 3,000 shelter tarpaulins to affected families in Calabarzon and Central Luzon,” ayon sa embahada.
Humigit kumulang na 16,476 pamilya o 60,817 katao ang naapektuhan ng bagyo, batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
As of 8 a.m., hindi bababa sa 46,008 katao ang nakasilong sa 976 evacuation centers. Sa kabuuan, anim na lugar sa Ilocos at Calabarzon ang nakakaranas pa rin ng kawalan ng komunikasyon. (PNA)
Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.