LPA sa northeast ng Luzon ngayon ay Tropical Depression Luis na

0
184

Ang low pressure area sa silangan ng extreme northern Luzon ay naging tropical depression at pinangalanang, “Luis,” ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa kanilang 11 a.m. bulletin kanina, Miyerkules.

Taglay ni “Luis” ang maximum sustained winds na 55 kph malapit sa gitna, at pagbugsong aabot sa 70 kph. Ito ay huling nasubaybayan sa 1,100 km. silangan ng extreme northern Luzon, kumikilos pahilagang-kanluran sa bilis na 25 kph.

Walang tropical cyclone wind signal ang nakataas sa alinmang bahagi ng bansa.

Sinabi ng PAGASA na malabong direktang maapektuhan ni “Luis” ang lagay ng panahon sa bansa.

Ang habagat ay magdudulot ng pag-ulan sa western section ng Southern Luzon, Eastern at Western Visayas, at silangang bahagi ng Mindanao sa susunod na 24 na oras.

Samantala, sinabi rin ng PAGASA na malabong direktang maapektuhan ni “Luis” ang kondisyon ng laot sa mga baybaying dagat ng bansa.

Si “Luis” ay tinatayang magiging tropikal na bagyo sa susunod na 24 na oras, ngunit inaasahang lalabas ng Philippine Area of ​​Responsibility sa Huwebes. (PNA)

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.