PhP 7.8M nasabat sa joint drug bust sa Cavite

0
206

Bacoor, Cavite. Hinarang ng pinagsanib na elemento ng PDEA Region 3 (Lead Unit), PDEA Clark Inter Agency Drug Interdiction Task Group, Bureau of Customs , Port of Clark at Bacoor Station Drug Enforcement Unit Php7.7M halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang controlled delivery operations noong Martes, Setyembre 27 sa lungsod na ito sa lalawigan ng Cavite.

Ang suspek na kinilalang si Noelle Denise Azul ay inaresto ng mga drug operatives dahil sa pag-iingat ng humigit-kumulang 1.140 kilo ng shabu na nakatago sa loob ng mga stuff toys.

Ang pangkat ni Azul na kinilalang si Octavia Dela Cruz ay nakatakas sa panahon ng operasyon.

Nakumpiska ng mga law operatives mula sa suspek ang isang pakete na naglalaman ng stuffed toys kung saan ay nakapaloob sa bawat laruan ang 3 asul na plastic bag na naglalaman ng kabuuang 1,140 gramo ng shabu, 3 Identification Card, at isang cellular phone.

“This is another milestone in our efforts to curb the proliferation of illegal drugs in our communities. With the cooperation of other agencies of the government, we are gaining remarkable success with the ‘whole of government approach’; thus, I commend everyone for a job well-done,” ayon kay PRO 4A Regional Director, PBGEN Jose Melencio C Nartatez, Jr.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.