Relief packs para sa mga pamilyang naapektuhan ni Karding sa Laguna ipinamahagi ng PPL

0
177

Sta. Cruz, Laguna. Namigay ng relief goods ang pamahalaang panlalawigan ng Laguna sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Karding partikular sa mga bayan ng Famy, Pakil at Mabitac.

Sa mahigpit na tagubilin ni Laguna Governor Ramil L. Hernandez at sa pangunguna ni Public Affairs Action Officer (PAAO) Rommel Palacol, kasama ang municipal at barangay coordinators, nabigyan ng ayuda sa mga pamilya sa Brgy. Calumpang, Tunhak, at Batuhan sa bayan ng Famy; Brgy. Kabulusan at Banilan sa bayan ng Pakil at Brgy. Sinagtala sa bayan ng Mabitac.

Kasama ng PAAO si Mayor Vince Soriano kabilang ang mga municipal at barangay coordinators sa isinagawang relief packs distribution.

Tinipon ng pamahalaang panlalawigan ng Laguna ang mga volunteers na kumilos sa mabilis na pamamahagi ng relief goods, ayon kay Palacol.

Sinabi niya na ang epektibong relief packs ay bunga ng maagang paghahanda ng PAAO. “Bago pa man dumating ang Bagyong Karding sa lalawigan ng Laguna ay iniutos na ni Gob. Ramil ang paghahanda ng mga food relief packs upang matiyak ang paghahanda sa sakuna sa mga oras ng emergency,” ang pagtatapos ni Palacol.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.