6 hanggang 9 pang tropical cyclone ang posibleng tumama sa PH hanggang Disyembre

0
188

Maaaring maranasan pa ng bansa ang anim hanggang siyam na tropical cyclone hanggang Disyembre, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) administrator Vicente Malano kahapon.

Sa isang pampublikong briefing, sinabi niya na dalawa hanggang apat na tropical cyclone ang inaasahan sa Oktubre; dalawa hanggang tatlo sa Nobyembre; at hanggang dalawa sa Disyembre.

Sinabi ni Malano na malaki ang ginagawa ng PAGASA sa paghahanda sa malalakas na tropical cyclone. Kabilang dito ang hazard mapping at information campaign.

Hinikayat niya ang publiko na laging sundin ang mga payo ng PAGASA. Hinikayat din niya ang publiko na matuto ng mga terminolohiya sa meteorology.

“If PAGASA gives a warning, they must follow. Sometimes people think that the tropical cyclone is weak, but they should note that we categorize a tropical cyclone based on winds. We also give rainfall advisories. Don’t think that there will only be light rains because of a weak tropical cyclone. Remember ‘Ondoy’ was weak compared to other tropical cyclones, but it caused heavy rains,” ayon sa kanya.

Ayon sa kanya ay natukoy na rin ng PAGASA ang mga lugar na madaling bahain, gayundin ang mga ligtas na lugar. Ang mga hazarad maps ay ibinigay sa mga yunit ng lokal na pamahalaan.

Ipinunto din ni Malano na dapat regular na suriin ng mga tao, lalo na sa mga lugar na kadalasang apektado ng malakas na hangin, ang integridad ng mga bahay at iba pang istruktura.

Para naman sa PAGASA, regular na ini inspeksyon ng bureau ang mga monitoring facility nito. Dagdag pa, ang ahensya ay nagsasaliksik kung paano pagbutihin ang kanilang mga kasanayan sa pagtataya.

Ngayong taon, tatlong super typhoon na ang dumaan sa bansa, dalawa sa mga ito ay hindi tumama sa anumang landmass. Ang pangatlo ay ang “Karding” na nagdulot ng malakas na ulan at hangin sa ilang bahagi ng Luzon kamakailan.

Apat na super typhoon ang tumama sa bansa noong 2020 at 2021,ayon kay Malano. (PNA)

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo