Kidnapping syndicate ng mga transgender, binuwag ng CIDG

0
313

Sa press briefing sa Camp Crame, Quezon City kanina, Kinilala ni CIDG director Brig. Gen. Ronald Lee sa isang press briefing kanina ang mga suspek na sina Francis Villa, Lawrenza Lingo, Johnas Belonio, Bernard Torres at Mark Joseph Pelonio, pawang miyembro ng “Warla” kidnapping group.

Nahuli ang mga suspek sa joint operation ng PNP Anti-Kidnapping Group, National Capital Region Police Office at tropa ng militar noong Oktubre 1.

Sinabi ni Lee na ang modus ng grupo ay akitin ang mga biktima mula sa mga dating app at site na makipagkita sa kanilang mga gwapong miyembro.

Matapos dukutin, dinadala ang mga biktima sa kanilang safehouse at humingi ng pera sa kanila ang mga suspek kapalit ng kanilang pagpapalaya.

Matapos matanggap ang ransom, ibinaba ng mga suspek ang mga biktima sa mga random na lugar sa paligid ng Metro Manila.

Sinasabing nag-ooperate ang grupo sa southern part ng Metro Manila, partikular sa Parañaque, Pasay, Taguig, at Makati at nakapang biktima na ng humigit kumulang na 14 katao.

Nakakolekta sila ng kabuuang ransom money na nagkakahalaga ng PHP4.2 milyon na gagamitin para sa kanilang sex reassignment surgery o “sex change”.

Ayon kay Lee, ang grupo ay napag alaman ng pulisya matapos mailigtas ang isang biktimang Taiwanese na si Michael Lee noong Setyembre 7 sa Parañaque City, na dinukot noong Setyembre 3.

Ang nabanggit na kidnapping group ay humingi ng pera sa mga kaibigan ng biktima kapalit ng kanyang kalayaan. Ang mga kaibigan ng biktima ay nakapag padala ng pera sa limang magkakaibang digital wallet na umabot sa kabuuang PHP308,000.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.