Kambal na kaso ng pagnanakaw, naresolba ng Calabarzon PNP

0
355

Calamba City, Laguna. Naresolba ang kambal na insidente ng nakawan sa Radio Natin 105.5 FM Station, Brgy. San Felipe, Padre Garcia, Batangas at sa Maraña Law Office, Brgy. Maraouy, Lipa City, Batangas noong Oktubre 10 at 12, 2022, matapos ang walang tigil na investigative follow-up operation ng Lipa City Police Station na nagresulta sa pagkakakilanlan ng suspek at pagkakarekober ng mga ninakaw.

Ayon kay PLTCOL Ariel Azurin, kabilang sa mga ninakaw sa law office ang isang MacBook Pro 16 kung saan ay ginamit ang app na Find My Missing Mac at natiktikan na nasa sa Brgy. Quisao, Pililia, Rizal ang unit. Agad na nakipag ugnayan ang follow-up team Sangguniang Barangay ng nabanggit na lugar upang mabawi ang mga nakaw na gamit. NArekoer ang mga ito sa isang kinilalang si Erica May Irag Antibo na live-in partner ng isang Joel Pilapil y Sales. Ininspeksyon ang lugar na may pahintulot mula kay Erica May at nakuha ang isang Apple Macbook Pro 16 bukod sa iba pa ang natagpuan ang serial number na tumutugma sa ninakaw na laptop mula sa Maraña Law Office.

Ayon kay Erica May, ang nasabing mga bagay ay dinala sa kanya ng kanyang live-in partner na si Pilapil na agad namang umalis pagkatapos.

NApag alaman din sa mga record verification na si Joel Sales Pilapil o John Joel Sales Pilapil alyas “Joel Sales Pilapil” ay naaresto na sa Brgy. Marfrancisco, Pinamalayan, Oriental Mindoro noong Nobyembre 27, 2015 hinggil sa kasong Robbery kung saan ninakaw niya ang apat na unit ng cellular phone, isang gintong kwintas, isang pares ng hikaw, isang bracelet, isa Acer laptop at cash na nagkakahalaga ng Php113,500.00. Nakalaya siya sa bisa ng piyansa.

Napansin din ng follow up team ang isang Astron LED TV 14-inch, isang signal light, tatlong  microphones, at isang HP computer printer, isang console mixer, dalawang mixing consoles, dalawang personal computer, tatlong headphones, at isang ring light na dinala rin doon ni Joel Pilapil, ayon sa kanyang live-in partner. 

Agad nilang ipinaalam sa Padre Garcia Municipal Police Station na nagpadala rin ng mga imbestigador at kinumpirma na ang mga iyon ang mga ninakaw na gamit sa istasyon ng Radio Natin FM noong Oktubre 10, 2022.

Narekober din sa inuupahang bahay ang iba’t ibang dokumento ng identification sa ilalim ng ilang kathang-isip na pangalan ng suspek.

Inihahanda na ng dalawang police station ang mga kaukulang dokumento para sa pagsasampa ng kasong kriminal na Robbery laban sa suspek na si Pilapil.

“I am directing our Chiefs of Police to maximize their police visibility in their AORs and to conduct patrolling specially during nighttime. Let us push on more crime prevention efforts upang maiwasan ang mga ganitong uri ng krimen”, ayo kay Police Regional Office CALABARZON Director PBGen Jose Melencio C. Nartatez Jr.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.