Justice Sec. Remulla: Walang special treatment para sa kanyang anak

0
297

Nanindigan si Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla na ang lahat ng mga usapin hinggil sa akusasyon ng kanyang anak sa mga kaso ng droga ay dadaan sa normal na mga channel at hindi tatanggap ng preferential treatment mula sa kanyang opisina

Sinabi ni Remulla sa media kanina na hindi pa niya nakakausap ang kanyang 38-anyos na anak na si Juanito Jose Diaz III, na naaresto sa controlled delivery operation sa Barangay Talon Dos, Las Piñas City noong Oktubre 11.

Ang nakababatang Remulla ay tumanggap ng parcel mula sa isang Benjamin Huffman ng United States, na sinasabing naglalaman ng tinatayang PHP1.3 milyong halaga ng kush o high-grade marijuana na tumitimbang ng 893.91 gramo.

Ang DOJ chief ay nasa official business trip sa Geneva, Switzerland nang mangyari ang pag-aresto.

“I haven’t talked to him actually since the beginning. I’ve stayed away from the case. I have not talked to anybody. I have not asked anybody any favor. I just talked to a cousin of mine who is a lawyer who has started representing him already. That’s everything that I have to do with the case. I have nothing to do with the case,” ayon sa kanya.

Sinabi ni Remulla na mas gusto niyang ang lahat ng mga resolusyon tungkol sa kaso ng kanyang anak ay hawakan ng korte, sa halip na ang DOJ, upang maiwasan ang mga persepsyon ng pakikialam.

“That’s the question that was asked of me by the lawyers who I talked to. Sabi ko (I told them) if there is a resolution, don’t let it reach the DOJ. Let it be discussed in court, whatever the case may be. If its an adverse case against my son, it will not be appealed here (DOJ). it will go straight to the courts for trial,” ayon sa kanya

Tungkol sa kanyang pagbibitiw, “it is the president’s call,” ang sagot niya.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.