Binabantayan ng PH ang mga Pinoy sa Ukraine matapos magdeklara ng martial law si Putin

0
144

Patuloy na binabantayan ng gobyerno ng Pilipinas ang kalagayan ng 25 accounted Filipinos sa Ukraine matapos ideklara ng Russia ang martial law sa apat na Ukrainian regions na sinasabing mga bahagi na ng Russia.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nakahanda na sila na iuwi ang mga natitirang Pilipino sakaling humingi sila ng tulong para sa agarang pagbabalik sa bansa.

“Following Russia’s declaration of martial law in Ukrainian regions, our Philippine Embassy in Warsaw, Poland and our Honorary Consulate General in Kyiv, Ukraine are constantly monitoring the conditions and circumstances of Filipino nationals who remain in Ukraine,” ayon sa DFA.

Naiuwi na ng ahensya ang humigit-kumulang 400 sa mahigit 450 overseas Filipinos sa Ukraine mula noong invasion ng Russia noong Pebrero 2022.

Nagdeklara ng martial law noong Miyerkules ang Pangulo ng Russia na si Vladimir Putin sa Kherson, Zaporizhzhia, Donetsk at Luhansk, na naging paksa ng mga tinatawag na referendum ng Moscow noong Setyembre 2022.

Ang mga referendum ay inilarawan ng United Nations bilang ilegal at nagsasabing hindi ito naging batayan para sa anumang pagbabago sa katayuan ng mga rehiyong Ukrainian.

Noong Oktubre 12, ang Pilipinas ay sumali sa 142 iba pang mga bansa sa pag pabor sa isang resolusyon ng UN na tumanggi sa mga resulta ng reperendum at kinondena ang “attempted illegal annexation” ng Russia sa apat na rehiyong Ukrainian.

“The Philippine Embassy in Warsaw and the Honorary Consulate General in Kyiv have accounted for 25 Filipino nationals in Ukraine, mostly residing in Kyiv, and none from the regions where martial law was declared,” dagdag nito. (PNA)

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.