Menor de edad nakursunadahang barilin sa Tagaytay City

0
408

Tagaytay City, Cavite. Sugatan ang isang menor de edad sa insidente ng pamamaril na naganap sa Sitio Pusil sa Brgy. Iruhin East, Tagaytay City, kahapon.

Ang biktima ay  isang 16-anyos na estudyante at residente ng nabanggit na barangay. Isinugod siya sa Ospital ng Tagaytay at nilapatan ng paunang lunas at inilipat sa General Emilio Aguinaldo Memorial Hospital sa Trece Martires City, Cavite.

Batay sa mga ulat ng pulisya, ang biktima ay nilapitan ng suspek na kinilalang si Leo Cuta Saratan isang lasing na armado ng kalibre .38 revolver at binaril ang biktima sa tiyan nang walang dahilan. Agad na tumakas ang suspek matapos ang pamamaril.

Nagsagawa ng patuloy na imbestigasyon ang Tagaytay Component City Police Station (CCPS) upang matukoy ang nasabing suspek at ang kanyang kinaroroonan. Ayon sa mga imbestigador, pinuntahan nila ang bahay ng suspek at nagkataong nakausap ang asawa ni Saratan kung saan ibinunyag nito na pumunta ang asawa niyang suspek sa bahay ng kapatid sa Las Piñas City.

Sa isinagawang follow-up operation, naaresto ng mga tauhan ng Tagaytay CPPS si Saratan sa nasabing address.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang isang kalibre 38 na revolver na walang serial number at isang empty shell cartridge.

Kasalukuyang nasa pangangalaga ng Tagaytay CPPS ang suspek at nakatakdang humarap sa mga kaukulang kaso.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.