Military Ordinariate nagbabala sa CBCP hinggil sa ‘pekeng’ pari

0
285

Binalaan ng Military Ordinariate of the Philippines (MOP) ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) laban sa nababalitang pari na gumagamit ng pangalan ng diyosesis sa mga mapanlinlang na transaksyon.

Ang MOP ay ang Roman Catholic diocese para sa mga kalalakihan at kababaihan na naka-uniporme ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology, at Veterans Memorial Medical Center.

Sa isang liham sa CBCP na may petsang Oktubre 21, iniulat ni MOP Bishop Oscar Jaime Florencio na ang isang indibidwal na nagngangalang Fr. Aries Aguilar ay hindi konektado sa kanila.

“Your Eminences, Your Excellencies, and Reverend Administrators: This is to inform you that a certain ‘Fr. Aries Aguilar’ is not an ordained priest of the Military Ordinariate of the Philippines, and he has never been connected with us ever since. Any claims and/or transactions he enters into using our name is therefore fraudulent and anomalous,” ayon sa liham.

Ang liham, na pinatotohanan ni MOP acting Chancellor Fr. Harley Flores, ay humimok sa kaparian na ipaalam sa kanila ang anumang transaksyong kinasasangkutan ng nabanggit na tao.

“Please notify this Office for further assistance and for any legal actions to be undertaken, if necessary,” dagdag nito. (PNA)

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.