Php35K na droga nasamsam; suspek na pusher arestado

0
245

Calamba City, Laguna. Arestado ang isang drug suspect sa ikinasang buy bust operation ng Calamba City Police Station (CPS) kahapon.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G. Silvio, Officer-In-Charge, Laguna PPO ang mga naarestong suspek na si Erwin Tuiza Almadovar alias Erwin na residente ng Calamba City Laguna. Siya ay nadakip sa Purok 4, Brgy. Looc, Calamba City, Laguna.

Nakumpiska sa suspek ang tatlong pirasong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 5.2 gramo at may street price na Php 35,360.00.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Calamba CPS ang arestadong suspek habang ang mga nakumpiskang ebidensya ay ipapadala sa Crime Laboratory upang isailalim sa forensic examination.  Haharap ang suspek sa kasong paglabag sa R.A 9165 Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

“Nagpapasalamat po ang Laguna PNP sa walang sawang pakikipagtulungan ng mga mamamayan ng Laguna para mabilis na mahuli ang mga nag bebenta at gumagamit ng ilegal na droga,” ayon kay Silvio.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.