Nawawalang lola sa Indonesia kinain ng buhay ng 22-foot python

0
339

Isang 54-anyos na lolang Indonesia na nawawala noong Biyernes habang nangongolekta ng rubber sa isang plantasyon malapit sa kanyang tahanan sa Jambi ang natagpuan sa tiyan ng isang 22-foot python matapos ang dalawang araw na paghahanap.

Ang mga miyembro ng pamilya ng babae, na kinilala bilang si Jahrah, ay tumawag sa mga emergency services noong Biyernes ng gabi at nagsimulang maghanap sa mga kalapit na kahuyan, ayon sa ViralPress.

Noong Linggo ng umaga, natagpuan ng search party ang reticulated python na may malaking umbok sa tiyan.

“Pinatay ng mga residente ang ahas at hiniwa ang laman ng tiyan nito. Nagulat ang lahat. Nasa tiyan pala ng ahas ang hinahanap naming babae,” ayon sa pahayag sa ViralPress ni Anto, ang lider ng local village kung saan nakatira ang bikrima.

Makikita sa mga larawan ang mga miyembro ng search party na hinihiwa ang tiyan ng napakalaking sawa upang kunin ang labi ng babae.

Walang nakasaksi na kinain ng ahas angbabae. Halos 48 oras siyang nawala at hinanap.

Ang mga reticulated python ay ang pinakamalaking ahas sa mundo, na lumalaki hanggang 28 talampakan at tumitimbang ng hanggang 320 pounds, ayon sa ulat ng International Union for Conservation of Nature. (Fox News)

Kinatay ng mga miyembro ng search party ang sawa at natagpuan ang nawawalang lola sa loob ng tiyan ng nito. (ViralPress)
Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.