Rank 5 MWP arestado sa Laguna

0
212

Sta. Cruz, Laguna. Arestado ang Rank no. 5 Most Wanted Person City Level sa manhunt operation na ikinasa ng Calamba City Police Station (CPS) kahapon.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G. Silvio, Officer-In-Charge, Laguna PPO ang akusado na si Cornelio Lucido De Asis, residente ng Calamba City Laguna.

Ayon sa ulat ng Calamba CPS inaresto ang akusado sa Brgy. Sampiruhan, Calamba City, Laguna sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Hon. Angelina A Mailom-Orendain ng Regional Trial Court Branch 92, Calamba City, Laguna noong Oktubre 24, 2022. Nahaharap ang akusado sa kasong RA 9287, An Act Increasing the Penalties for Illegal Numbers Games, amending certain Provisions of Presidential Decree No. 1602 na walang inirerekomendag piyansa.

Ang hinuling akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Calamba City Police Station habang ang korteng pinagmulan ng Warrant of Arrest ay iimpormahan sa pagkaaresto ng akusado.

“Nais ko pong ipaabot sa lahat ng mamamayan ng Laguna ang aking pasasalamat sa magandang samahan ng mamamayan at kapulisan. Dahil dito sa pakikipagtulungan ng mga tao sa Laguna mabilis naaaresto ang mga akusado at may sala sa batas,” ayon kay Silvio.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.