Signal No. 2 sa Bicol, Samar habang lumalakas si Paeng

0
238

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No.1 sa Masbate kabilang ang Ticao at Burias Islands, Camarines Norte, ang natitirang bahagi ng Camarines Sur, Romblon, Marinduque, Quezon kasama ang Polillo Islands, Laguna, at Rizal.

Ang ilang bahagi ng Luzon at Visayas ay kasalukuyang nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 2 dahil bahagyang lumakas ang Tropical Storm Paeng, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kanina.

Ang TCWS No. 2 ay itinaas sa Catanduanes, Albay, Sorsogon, at silangang bahagi ng Camarines Sur (Caramoan, Garchitorena, Presentacion, Lagonoy, Goa, San Jose, Tigaon, Iriga City, Saglay, Buhi) Northern Samar at ang hilagang bahagi ng Silangang Samar (Jipapad, Arteche, Oras, San Policarpo, Maslog, Dolores, Can-Avid, Taft)

Nasa ilalim din ng TCWS No. 1 ang Samar, ang natitirang bahagi ng Eastern Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, at ang hilagang bahagi ng Cebu (Daanbantayan, Medellin, San Remigio, Tabogon, City of Bogo, Borbon) kasama ang Bantayan at Camotes Islands, Dinagat Islands, Surigao del Norte kasama ang Siargao at Bucas Grande Islands at ang hilagang bahagi ng Surigao del Sur (Carrascal, Cantilan, Madrid, Carmen, Lanuza, Cortes, City of Tandag, Bayabas, Tago, Cagwait). Malakas na hangin ang iiral sa mga lugar na ito.

Taglay ngayon ni Paeng ang maximum sustained winds na 75 kph malapit sa gitna, at pagbugsong aabot sa 90 kph. Ito ay huling natunton sa 410 km. silangan ng Borongan City, Eastern Samar.

Sinabi ng PAGASA na magdudulot si Paeng ng malakas hanggang sa matinding pag-ulan sa Bicol Region, Northern Samar, Samar, at Eastern Samar.

Katamtaman hanggang sa malakas na kung minsan ay posible rin ang matinding pag-ulan sa Western Visayas, Marinduque, Romblon, at Quezon.

Mahina hanggang sa katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan ang malamang sa Caraga, Zamboanga Peninsula, BARMM, Northern Mindanao, mainland Cagayan Valley, Aurora, Rizal, Laguna, at nalalabing bahagi ng Visayas.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.