DOTr: PH transport sector handa na sa ‘Undas’

0
238

Nakahanda na ang mga airports, land terminals, sea port, at train system sa bansa para sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa All Saints’ Day o ‘Undas,’ ayon kay Jonathan Gesmundo, executive assistant ng DOTr Secretary ng Department of Transportation (DOTr) kahapon.

Nagpahayag ng kumpiyansa si Gesmundo na magiging maayos ang exodus ng mga pasahero sa mga probinsya, kung saan ang mga help desk ng DOTr ay isaaktibo sa panahong ito.

“Naghanda kami sa mga airports, sa mga terminal ng bus, sa mga seaport, sa mga istasyon ng tren, full complement ang mga tao nila ngayon, at inaasahan naming makakapagbigay kami ng ayuda (We have prepared airports, bus terminals, seaports, train stations—they now have a full complement of personnel—and we’re expecting to be able to provide assistance),” ayon kay Gesmundo sa Laging Handa briefing.

Ang lahat ng airport ay magsisimula ng buong deployment sa Biyernes hanggang Nobyembre 3. Lahat ng paliparan ay ininspeksyon na rin upang matiyak ang maayos na karanasan ng mga pasahero, ayon sa kanya.

Aniya, may kaunting pinsalang idinulot ang nakaraang Tropical Depression Obet sa mga paliparan sa Basco, Cauayan, at Tuguegarao ngunit mananatiling operational ang mga ito sa weekend.

Ang mga paliparan sa Legazpi, Bohol, at ilang bahagi ng Visayas ay naghahanda para sa pananalasa ng panibagong Tropical Storm Paeng ngayong weekend at maaaring maglabas ng mga advisory sa katayuan ng mga flight at pagkansela.

“Inaantabayanan namin ang advice ng PAGASA kung ano ang dadaanan talaga nitong Bagyong Paeng,” he said.

Pinaalalahanan niya ang mga manlalakbay na sundin ang mga protocol ng Covid-19 tulad ng pagsusuot ng face mask at pag-obserba ng physical distancing.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.