NDRRMC: 45 patay hindi 72 sa pananalasa ni ‘Paeng’ 

0
203

Nilinaw kanina ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na 45 at hindi 72 katao ang naiulat na namatay sa pananalasa ng Severe Tropical Storm “Paeng” (international name: Nalgae).

Sa isang virtual press briefing, sinabi ni acting Department of National Defense (DND) Secretary Jose Faustino Jr., concurrent NDRRMC chairman, na ginawang opisyal ang pagwawasto sa bilang ng mga nasawi kasunod ng pagsusumite ng mga ulat mula sa mga kinauukulang opisyal ng lokal na pamahalaan ng Bangsamoro Autonomous Region sa Muslim Mindanao (BARMM).

“We have now reduced to 45 the number of fatalities, 40 of them were from BARMM specifically in Maguindanao and the remaining five were from Region 12, which had three, and two in Region 6,” ayon kay Faustino.

Sinabi ni Faustino na ang mga lokal na opisyal ay tila nag-overcount dahil umaasa rin sila sa mga ulat mula sa mga village authorities.

Sinabi ng NDRRMC na bina-validate pa nila ang mga ulat hinggil sa 14 na nawawalang tao – 11 mula sa Maguindanao at tatlo sa Region 12 (SOCCSKSARGEN) sa Mindanao.

Sinabi DND chief na maraming biktima sa Maguindanao bagaman at wala sila sa direktang landas ng “Paeng” sapagkat naging “catch basin” sila sa mga nakapaligid na lugar na binaha. 

Gayundin, sinabi ng NDRRMC na may kabuuang 49,767 pamilya o 184,161 katao ang naapektuhan.

Sa bilang, 2,615 pamilya o 9,737 katao ang nasa 113 evacuation centers habang 625 pamilya o 2,400 katao ang nasa labas o kasama ng mga kamag-anak na hindi gaanong naapektuhan ng bagyo.

Umakyat ang ilang residente sa bubong ng kanilang mga bahay at naghihintay ng saklolo, ayon sa mga ulat.

Nagsimula ang malakas na ulan noong Huwebes at hindi pa rin humihinto. Inaasahang lalala ang panahon kapag nag-landfall si Paeng ngayong araw, Oktubre 29.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo