Tumawid sa Laguna si Paeng matapos ang ikalimang landfall sa Sariaya, Quezon

0
192

Nasa San Pablo City, Laguna si Paeng at kumikilos pahilagang-kanluran

Nag-landfall ang Severe Tropical Storm Paeng (Nalgae) sa Sariaya, Quezon, alas-1:40 ng hapon kanina, Oktubre 29, pagkatapos ay tumawid sa Laguna.

Nauna dito ay inaasahang magla-landfall si Paeng sa San Juan, Batangas, na malapit sa Sariaya.

Ang unang apat na landfall ng matinding tropikal na bagyo ay kanina din, sa mga sumusunod na lugar:

  • Virac, Catanduanes – 1:10 am
  • Caramoan, Camarines Sur – 1:40 am
  • Buenavista, Quezon – 6 am
  • Santa Cruz, Marinduque – 8:40 am

Pagsapit ng alas-4 ng hapon, nasa vicinity na ng San Pablo City, Laguna si Paeng, kumikilos pahilagang-kanluran sa bahagyang mas mabilis na 20 kilometro kada oras mula sa dating 15 km/h.

Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa isang briefing pasado alas-5 ng hapon na ang matinding tropikal na bagyo ay inaasahang tatawid sa Cavite-Batangas area, pagkatapos ay sa katimugang bahagi ng Bataan bago matapos ang araw ng Sabado.

Sinabi ni PAGASA ni Senior Weather Specialist Raymond Ordinario na si Paeng ay pinakamalapit sa Metro Manila sa pagitan ng alas-5 ng hapon at alas-11 ng gabi mamaya.

Sa ngayon, si Paeng ay mayroon pa ring maximum sustained winds na 95 km/h, na may pagbugsong aabot sa 160 km/h. Ito ngayon ay nakikitang nanatiling malakas habang tumatawid sa Southern Luzon, sa halip na humina sa isang tropical storm.

Idinagdag ng PAGASA na maaaring tumindi si Paeng kapag ito ay lumusot sa ibabaw ng West Philippine Sea.

Nagbabala ang weather bureau na magpapatuloy ang pag-ulan hanggang bukas, Oktubre 30. Maaari pa ring magkaroon ng baha at pagguho ng lupa.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.