PH EMbassy: Walang Pinoy na nasaktan sa deadly stampede sa Itaewon

0
278

Seoul. Wala pang Pinoy na naiulat sa ngayon na kabilang sa mga nasawi sa isang kakila-kilabot na stampede sa Itaewon na ikinamatay ng mahigit 100 at ikinasugat ng iba pa kagabi, ayon sa Philippine Embassy sa South Korea noong Linggo.

Hindi bababa sa 150 ang namatay dahil sa pagkaipit sa panahon ng Halloween revelries sa sikat na nightlife district sa Seoul.

Nasa 76 ang nasugatan mula sa insidente, 15 sa kanila ay mga dayuhan, ayon sa Embahada, na binanggit ang National Fire Agency ng Korea.

“The Embassy is closely monitoring the situation and is in coordination with local authorities in case any Filipino national has been affected. To date, the Embassy has yet to receive reports of any Filipino victim in the stampede,” ayon saEmbassy sa isang statement.

Pinayuhan ng Embahada ang mga Pilipino sa Korea na mag-ingat sa mga malalaking kaganapan.

Sa Maynila, sinabi ng Department of Migrant Workers na mahigpit nilang binabantayan ang sitwasyon ng mga overseas Filipino workers (OFWs).

Sa ulat mula kay Labor Attaché Maria Celeste Valderrama sa Seoul, kinumpirma na walang OFW ang nasugatan sa stampede.

“The Secretary (Susan Ople) has ordered the Philippine Overseas Labor Office in Seoul to monitor the situation and provide regular updates to the DMW,” ayon sa statement ng DMW kanina.

May mahigit na 50,000 Pilipino ang naninirahan at nagtatrabaho sa South Korea, ngunit sa muling pagbukas ng bansa sa mga border nito at pagluwag ng mga paghihigpit, mas maraming turistang Pilipino ang nagsimula ng pumunta dito. 

Ang stampede, na inilarawan bilang ang pinakanakamamatay sa kasaysayan ng South Korea, ay naganap sa isang makitid na pababang eskinita sa sikat na entertainment district, kung saan karamihan ng mga biktima ay nasa edad 20.

Ayon sa pinakahuling ulat ng mga awtoridad, ang mga dayuhang namatay ay mga mula sa Iran, Uzbekistan, China, at Norway.

Ang mga pagdiriwang ng Halloween sa kabisera ng lungsod, lalo na sa Itaewon at Hongdae, ay umakit sa mga lokal at dayuhang turista noon pang Oktubre 28, na may malaking crowd na sa mga loob ng mga pub sa mga makikitid na kalye nito.

Ito ang unang serye ng mga kaganapan sa Halloween sa Seoul mula noong pumutok ang pandemya noong 2020.

Ang mga video ng trahedya na kumakalat sa online ay nagpakita ng mga paramedic na nagbibigay ng cardiopulmonary resuscitation sa dose-dosenang mga biktima habang ang ilan ay nagpupumilit na hilahin ang mga biktima palabas sa masikip na eskinita.

Wala pang impormasyon kung ano ang sanhi ng stampede ngunit isinasagawa ang imbestigasyon. (PNA)

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.