Barangay kagawad nakipagtalo; pinagbabaril sa ulo

0
321

Sta. Maria, Laguna.  Patay agad ang isang 42 anyos na barangay councilman matapos pagbabarilin ng nakatalo nitong kabarangay noong gabi ng Huwebes sa Brgy. Cabooan ng bayang ito 

Ayon sa paunang ulat ng pulisya, nakilala ang biktima na si John Irvin Vispo, may- asawa at residente ng nabanggit na barangay.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Officer-In-Charge, Laguna Provincial Police Office ang suspek na si Reynald Ikling.

Ayon sa report, bumibili ng bigas sa isang grocery store si Vispo ng dumating Ikling at may itinanong ng isyu hinggil sa nagdaang bagyo. Nagpapaliwanag umano ang biktima ngunit pasigaw umanong nagsalita ang suspek hanggang sa humantong sa isang mainit na pagtatalo ang usapan.

Ayon sa salaysay ng mga nakasaksi, hindi matanggap ng suspect ang paliwanag ng biktima kaya bigla itong bumunot ng baril at sunod sunod na pinaputukan sa ulo si Vispo bago tumakas. 

Tatlong basyo ng bala ng baril ang narekober ng pulisya sa crime scene.

Samantala, nagkasa ng manhunt operation ng Sta.Maria Municipal Police Station upang tugisin ang suspek.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.