High powered firearms nakumpiska sa Laguna

0
195

Nagcarlan, Laguna. Arestado ang isang suspek na nahulihan ng matataas na kalibre ng baril sa isang follow up operation ng Nagcarlan Municipal Police Station (MPS) kaninang tanghali.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G. Silvio, Officer-In-Charge, Laguna PPO ang suspek na si Vincent Conejos.

Ayon sa report ng Nagcarlan MPS, nagkasa sila ng follow up operation kasama ang 1st LPMFC, RIU, PIU hinggil sa report ng concern citizen na may nagpaputok ng baril sa Brgy Tipacan, Nagcarlan,Laguna na nauwi sa pagka aresto ng suspek matapos maberipika na nagmamay ari siya ng mataas na kalibre ng baril.

Nakumpiska sa suspek ang isang M16 rifle colt RP256304, M16 rifle with serial no.9069155, M16 rifle defaced serial number,armscor shotgun with serial # 178379, isang (1) unit ng  Colt, M16 rifle with (airsoft), 1 M16 rifle defaced serial number (airsoft), dalawang piraso ng handheld radio, dalawang piraso ng military uniforms, apat na piraso ng military vest, isang pirasong ng military bandolier, dalawang rifle magazine, anim na long magazine at dalawamput isang piraso ng ibat-ibang uri ng bala.

Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Nagcarlan MPS at nakatakdang humarap sa kasong kriminal na Indiscriminate firing at RA 10591 “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”.

“Hindi namen kinukunsinti ang ganitong pag uugali sa pangangalaga ng baril kaya mahigpit kaming nagsasagawa ng mga operation laban sa mga Loose Firearms para mapanatili ang kapayapaan at kaayusan dito sa lalawigan ng Laguna, ” ayon sa mensahe ni SIlvio.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.