Magdadala ng mga pag ulan ang ITCZ sa buong PH

0
387

Magdadala ng mga pag-ulan sa karamihan ng bahagi ng bansa ang intertropical convergence zone (ITCZ) ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kanina.

Sa kanilang 4 a.m. weather bulletin, sinabi ng PAGASA na ang Soccsksargen, ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, Davao Occidental, at ang katimugang bahagi ng Palawan ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog. ng ITCZ.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog ang iiral sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa dahil sa ITCZ ​​at mga localized thunderstorms.

Mahina hanggang sa katamtamang hangin na patungo sa silangan hanggang hilagang-silangan at banayad hanggang sa katamtamang pag-alon ng karagatan ang iiral sa buong bansa, sabi ng PAGASA.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.