Tumaas ng 43% ang daily average ng mga bagong kaso ng Covid mula Nob. 7-13

0
223

Tumaas ng 43 porsyento mula Nobyembre 7 hanggang 13 ang daily average ng mga kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19), ayon sa Department of Health (DOH) kahapon.

Mula sa 907 bawat araw na naitala mula Oktubre 31 hanggang Nob. 6, ang bilang ay umakyat sa 1,296 araw-araw sa nakalipas na linggo.

Ang pinakahuling bulletin ng kaso ay nagpakita na mayroong 9,069 na bagong kaso at 113 na ng pagkamatay.

Sa karagdagang pagkamatay, sinabi ng DOH na 41 ang naganap mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 13.

Sa parehong panahon, anim na kaso ang idinagdag sa tally ng malala at kritikal na impeksyon, na bumaba sa 613 mula sa nakaraang linggo na 650.

21.3 porsyento lamang o 524 sa 2,465 intensive care unit (ICU) beds ang ginagamit, habang 25.8 percent o 5,363 sa 20,825 non-ICU beds ang ginagamit.

Sa ngayon, nasa 73,644,364 o 94.29 porsyento ng target na populasyon ng bansa (78,100,578) ang nabakunahan na laban sa Covid-19, kabilang ang 79.42 porsyento ng 8,721,357 senior citizens.

Noong Nobyembre 13, kabuuang 20,760,526 ang nakatanggap ng mga booster shot mula sa fully vaccinated na populasyon. (DOH)

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.