Paete, 1st recipient ng Pambansang Pabahay ni PBBM

0
494

Paete, Laguna. Natanggap ng bayan ng Paete ng Laguna ang unang yugto sa proyektong pabahay ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa ilalim ng “Pambansang Pabahay para sa Pilipino: Zero Informal Settlers Families (ISF)” ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Malugod na tinanggap ni Paete Mayor Ronald Cosico kahapon ang bagong development, at sinabi na ito ay lubos na magpapalakas sa kanyang matagumpay na kampanya upang magbigay ng ligtas at disenteng mga tahanan para sa kanyang mga nasasakupan na nasa danger zones.

Nakita ng National Housing Authority (NHA) at DHSUD ang kahalagahan na pagbigyan ang aplikasyon ng neophyte mayor, na nagharap ng resolusyon mula sa konseho ng bayan ng Paete at humihiling ng proyektong pabahay.

Inaprubahan ni NHA acting General Manager Roderick Ibañez ang PhP25 milyon para sa 350 bahay, na bubuo sa unang yugto ng proyekto.

Ang proyekto ay bahagi ng 1,300 bahay na inaprubahan kamakailan ng DHSUD para sa mga pamilyang Paete, na karamihan ay naninirahan sa kahabaan ng mapanganib na mababang lupain malapit sa Laguna Lake at sa danger zone sa kahabaan ng mga talampas ng bundok ng bayan.

Sinabi ni Cosico na ang mga naninirahan sa mga lugar ng isasagawang road widening ay makikinabang din sa proyektong pabahay ng Pangulo.

“Kapansin-pansin po na lahat halos ng bahagi ng national road na naglalagos sa mga karatig bayan ng Paete ay pawang na-road widened na at tanging yung sa amin na lamang ang hindi pa,” ayon kay Cosico, na nasa unang termino ng kanyang paglilingkod bilang alkalde.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.