Hot pursuit vs mga magnanakaw nauwi sa engkwentro, 2 suspek arestado

0
414

Calamba City, Laguna. Arestado ang dalawang tulisan sa isinagawang hot pursuit operation ng Bacoor City Police Station sa Brgy. Talaba 7, Bacoor City, Cavite kahapon ng umaga.

Kinilala ng mga imbestigador ang mga arestadong suspek sa pagnanakaw na sina Greggy Lagara Saavedra, 31 anyos na residente ng Chrysanthemum, San Pedro, Laguna at Rolly Torregosa Boncales Jr., 38 anyos.  Ang pangatlong suspek na si Alvin Mejia Tabirao, ay pinaghahanap pa.

Batay sa ulat ng Bacoor Police, isang robbery incident ang nangyari sa Bahayang Pag-asa, Molino 3, Bacoor City gamit ang isang pulang Toyota Wigo na may plate number na DAY 1667. Sa paglulunsad ng city-wide dragnet operations ang Bacoor CPS, nasabat ito ng mga opisyal ng mobile patrol ang nabanggit at sinubukan itong i-flag down. Ngunit sa halip na huminto, binilisan ng mga suspek at pinaputukan ang mga patrol officer na naging dahilan upang gumanti ang mga pulis. Isang habulan ng sasakyan ang naganap na nagtapos sa Talaba Cockpit Arena kung saan ay iniwan ng mga suspek ang kanilang sasakyan at nagtago sa mga residential area sa Brgy. Talaba 7.

Sa pakikipagtulungan ng mga concerned citizen sa lugar, naaresto ang suspek na si Saavedra na nagtamo ng tama ng bala sa balikat. Naaresto din si Boncales samantalanag nakatakas si Tabirao..

Nakuha sa kanila ang isang caliber .38 pistol na may laman na 4 na live ammunition, isang hand grenade at apat na cellular phone (2 iPhone at 2 RealMi) na kanilang ninakaw.

Patuloy na isinasagawa ang mga follow-up operations upang madakip si Tabirao.

Samantala, pinuri ni PRO CALABARZON Regional Director, Police Brigadier General Jose Melencio C. Nartatez, Jr, ang mga tauhan ng Bacoor CPS sa mabilis na pag responde na nagresulta sa pagka aresto sa mga suspek sarobbery sa isang armadong engkwentro.

“The patrollers and operatives of Bacoor MPS have shown exemplary conduct by their prompt actions in this incident. It takes courage and decisiveness to overcome this kind of situation. Their dedication and perseverance led to the immediate arrest of two robbery suspects within the day. I am also thankful that there are no casualties on our side during the armed confrontation,” ayon sa Regional Director.

Hinikayat din ni Nartatez ang komunidad na makipag tulungan at tumulong sa mga operatiba upang madakip ang suspek na maaaring nasa Bacoor pa.

“Nananawagan ako sa ating kababayan lalong lalo na sa mga mamamayan ng Bacoor City na tulungan ang inyong mga pulis. Huwag kayong matatakot na ipaalam ang anumang impormasyon sa ikadarakip ng mga holdaper na ito, hindi ko papayagang maghasik pa ng karahasan at makapang biktima pa ang mga ito ng mga inosente nating kababayan lalo na at palapit na ang kapaskuhan,” ang pagtatapos ni Nartatez.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.