1,874 bagong kaso ng COVID, naitala

0
205

Tatlong sunod na araw nang nakapagtatala ng mahigit 1,000 bagong impeksyon ng COVID-19, ayon sa Department of Health (DOH)

Ito ay matapos na madagdagan ng 1,874 lamang na bagong kaso kahapon, Sabado, Nobyembre 26 habang ang aktibong kaso ay tumaas sa 18,348.

Batay sa pinakahuling numero ng DOH, tumaas ang aktibong kaso ng COVID-19 mula sa 17,945 na naitala noong Biyernes.

Dahil sa bagong mga kaso, ang total loadcase ngayon sa bansa ay umabot na sa 4,032,326.

Iniulat ng National Capital Region (NCR) ang pinakamataas na impeksyon sa nakalipas na dalawang linggo na may 3,418 kaso na naitala; sinundan ng Calabarzon na may 1,801; Kanlurang Visayas na may 1,162; Central Luzon na may 994; at Central Visayas na may 982 kaso.

Sinabi ng DOH na ang recovery tally sa COVID-19 ay tumaas sa 3,949,407, habang ang namatay ay tumaas sa 64,571.

Ang bed occupancy sa bansa ay bahagyang tumaas sa 23.6%, na may 6,694 okupadong kama habang 21,718 ang bakante nitong Nobyembre 24.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.