Naramdaman ang isang magnitude 5.3 na lindol kaninang 1:25 PM sa Tinaga Islands (Vinzons), Camarines Norte at naapektuhan ang Sorsogon sa Bicol Region at ilang mga bahagi ng Eastern Visayas kanina, Lunes, Disyembre 7, ayon sa pahayag ng Phivolcs sa Facebook page nito.
Naganap ang pagyanig sa ilalim ng katubigan (undersea tremor) at mayroong tectonic na origin, na tumama sa layong 37 kilometro, Hilagang-Silangan ng Prieto Diaz.
Naiulat na Intensities:
Intensity II – Quezon City
Instrumental Intensities:
Intensity V – Mercedes, Jose Panganiban, Camarines Norte
Intensity IV – Daet, Camarines Norte; Guinayangan, Polillo, Quezon
Intensity III – Ragay, Pili, Iriga City, Camarines Sur; Mauban, Lopez, Mulanay, Alabat, Gumaca, Quezon
Intensity II – Tabaco, Albay; Dingalan, Aurora; Batangas City, Batangas; Calumpit, Plaridel, Pulilan, Marilao, San Ildefonso, Bulacan; Sagnay, Camarines Sur;
Carmona, Cavite; Marikina City, Pasig City, Metro Manila; Gapan City, Nueva Ecija; Pinamalayan, Oriental Mindoro; Guagua, Pampanga; Infanta,
Pangasinan; Dolores, Infanta, Calauag, Quezon; Taytay, Tanay, Rizal
Intensity I – Legazpi City, Albay; Bulakan, Santa Maria, Guiguinto, Obando, Malolos City, Pandi, Dona Remedios Trinidad, Bulacan; Tagaytay City, Ternate,
Cavite; Candon, Ilocos Sur; Calamba, Los Banos, Laguna; Malabon City, Pasay, Quezon City, Muntinlupa City, San Juan City, Metro Manila; Mapanas, Northern
Samar; San Antonio, Gabaldon, Cabanatuan City, Nueva Ecija; Calapan City, Oriental Mindoro; Tayabas, Lucena City, Quezon; Angono, Morong, Antipolo,
Cainta, Rizal.
Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.