Cellphone snatcher, timbog sa Laguna

0
329

Pagsanjan, Laguna. Nahuli kahapon ng mga tauhan ng Paete Municipal Police Station ang isang snatcher ng cellphone matapos ireport ng kanyang biktima at sundan sa kanyang lungga.

Kinilala ang suspek na si Kevin Abrosio, 29 anyos na residente ng Brgy. Pagsanjan sa nabanggit na bayan.

Ayon sa mga salaysay ng biktimang si Sheenna Mae Acoba, 17 anyos na residente ng Quinale Street, Brgy. 4 sa PAete, nag aabang sila ng jeep ng dumaan ang isang motosiklo sa kanilang harapan at inagaw ang hawak niyang cellphone.

Tumakas ang suspek papuntang Jocson Street sa Poblacion Dos sa nabanggit na bayan kung saan sinundan siya ng mga pulis, kinilala at dinakip.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.