Magdala ng kalat-kalat na pagbuhos ng ulan ang LPA sa buong PH

0
148

Huling natagpuan ang low-pressure area (LPA) n sa 610 km. silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur at inaasahang magdadala ng kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa karamihan ng bahagi ng bansa, ayon sa  Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kanina.

Ang mga lugar na ito ay Mindanao, Visayas, Bicol region, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, Quezon, Rizal, Laguna, at Batangas.

Posible ang mga flash flood o landslide sa mga lugar na ito dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan, ayon sa PAGASA sa kanilang 4 a.m. weather bulletin.

Ang kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog, at ang posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa ay inaasahan din sa Cagayan, Apayao, at Ilocos Norte dahil sa shear line.

Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng Luzon ay magkakaroon ng isolated rain showers dulot ng localized thunderstorms.

Samantala, katamtaman hanggang sa malakas na hangin at maalon na karagatan ang iiral sa hilagang Luzon.

Malamang na maalon hanggang sa napakaalon na dagat sa mga tabing dagat ng Batanes, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, at hilagang baybayin ng Cagayan, kabilang ang Babuyan Islands.

Pinayuhan ng PAGASA ang mga bangkang pangisda at iba pang maliliit na sasakyang pandagat na huwag makipagsapalaran sa dagat, at ang mas malalaking sasakyang pandagat ay inalerto na laban sa malalaking alon.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.