Maulap ang kalangitan at maulan ang Sabado dahil sa LPA, shear line

0
234

Maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan ang inaasahan sa kalakhan ng bansa ngayong araw ng Sabado dahil sa low-pressure area (LPA) at shear line na nakakaapekto sa hilagang Luzon.

Sa 4 a.m. weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nakita na tinatayang nasa 215 km ang LP sa silangan ng Juban, Sorsogon.

Magdadala ito ng maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Metro Manila, Gitnang Luzon, Calabarzon, Mimaropa, rehiyon ng Bicol, at Visayas.

Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog na dala ng shear line ang iiral sa Cagayan Valley.

Ang nalalabing bahagi ng bansa ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa shear line at localized thunderstorms.

Ang hangin sa Luzon ay magiging katamtaman hanggang sa malakas patungong hilaga hanggang hilagang-kanluran, na may maalon na kondisyon ng tubig sa baybayin.

Sa Visayas, ang hangin ay magiging mahina hanggang sa katamtaman patungo sa hilagang-kanluran hanggang kanluran, na may banayad hanggang sa katamtamang pag-alon ng karagatan.

Ang temperatura sa Metro Manila ay mula 25°C hanggang 29°C; Lungsod ng Laoag, 26°C hanggang 30°C; Lungsod ng Lipa, 24°C hanggang 29°C; Puerto Princesa City, 25°C hanggang 32°C; Metro Cebu, 25°C hanggang 29°C; at Metro Davao, 24°C hanggang 31°C. (PAGASA)

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.