PAGASA: Walang direktang epekto sa bansa ang Bagyong Rosal

0
400

Iniulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) na ang Bagyong Rosal (international name Pakhar) ay kasalukuyang walang direktang epekto sa bansa. Kumikilos ito pahilagang-silangan at maaaring humina sa Low-Pressure Area (LPA) sa Martes ng gabi dahil sa Amihan (Northeast Monsoon).

Sa pinakahuling weather forecast ng PAGASA, ang Bagyong Rosal ay kasalukuyang matatagpuan sa layong 770 km East ng Calayan, Cagayan. Ang Tropical Storm ay may max na hangin na 85 km/h at pagbugsong 105 km/h. Kumikilos ito pahilagang-silangan sa bilis na 20 km/h, na may labangan na posibleng magdala ng mga pagkidlat-pagkulog sa silangang bahagi ng bansa.

Ayon sa weather agency, walang direktang epekto ang Bagyong Rosal sa Pilipinas. Sa katunayan, karamihan sa bansa ay maaaring asahan ang magandang panahon para sa natitirang bahagi ng araw na may mga kalat kalat na pag-ulan at mga localized na thunderstorm.

Samantala, ang Northeast Monsoon ay magdadala ng mahinang pag-ulan sa Batanes at Babuyan Islands.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.