Php 1.2M na shabu at Php950K na cocaine nasabat sa Quezon

0
301

Lucena City, Quezon. Nasabat ng pinagsamang pwersa ng Provincial Drug Enforcement Unit/Police Intervention Unit-Quezon na nasa pamumuno ni Police Major Mendel S. Casao ang PhP 1.2 milyon na halaga ng shabu at PhP 950K na halaga ng cocaine, kamakalawa.

Ang suspek ang kinilala ni Police Colonel Ledon D. Monte, Provincial Director ng Quezon Provincial Police Office na si Jomer Lucera Nera alyas “Palits,” 45 anyos na nakatira sa Purok Daus, Brgy. Poblacion 61, Real Quezon.

Nakuha sa kanya ang humigit kumulang na 59.02 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang may Dangerous Drug Boar (DDB) value Php 407,660.00 at street value na Php 1,222,980.00 at 59.78 gramo ng powder substance na hinihinalang cocaine na may DDB value Php 316, 834.00 at street value na Php 950,502.00.

Ang suspek ay nakatakdang humarap sa kasong paglabag sa Section 5 and 11 of Art II of RA 9165.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.