36K learners, DepEd teachers tatanggap ng school supplies

0
162

Inaasahang makikinabang ang 35,000 mag-aaral at mahigit isang libong guro sa donasyon na school supplies ng Bank of the Philippine Islands (BPI) Foundation, ayon sa Department of Education (DepEd) kahapon.

Sa isang video message, pinuri ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang inisyatiba ng BPI Foundation sa pakikipagtulungan nito sa DepEd para sa learning recovery

“This project brings joy and ease to thousands of public school teachers and students, a concrete affirmation of your trust and confidence in them to hold out strong as we endeavor to recover learning gaps due to the schools’ closures during the pandemic,” ayon sa kanya.

Samantala, tiniyak ng BPI Foundation sa publiko ang kanilang patuloy na pangako at pakikipagtulungan sa DepEd.

Inilista ng BPI Foundation ang mga bagay na ibibigay sa mga piling malalaking paaralan sa bansa.

“We believe that it is essential to every recovery is the full support and cooperation between government and the private sector… The BPI Foundation, we remain committed to the rebuilding phase, until we are fully recovered,” ayon kay Owen Cammayo, Executive Director ng BPI Foundation.

Bukod sa school supplies para sa libu-libong mga mag-aaral at guro, ibibigay din nito ang  printing resources donations sa 74 na malaki at maliliit na paaralan sa buong bansa.

Ang mga piling malalaking paaralan ay tatanggap ng dalawang printer, 24 na bote ng itim ink, at 100 ream ng short bond paper; habang ang mga maliliit na paaralan ay bibigyan ng printer, 12 bote ng itim tinta, at 25 ream ng short bond paper.

Ito na ang pangalawang pagkakataon na nag-turn over ang BPI Foundation ng printing resources sa DepEd. Noong nakaraang Marso, humigit-kumulang 90,000 mag-aaral sa pitong rehiyon ang nakinabang sa mga ibinigay na printer, tinta, at bond paper ream para sa Brigada Eskwela. (PNA)

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.