Mga miyembro ng Termite Gang Arestado ng Quezon PNP

0
312

Lucena City, Quezon. Arestado ang mga miyembro ng Termite Gang matapos magnakaw ng underground copper cables ng PLDT sa Gomez St. Brgy 4, sa lungsod na ito kamakailan.

Kinilala ni Police Col. Ledon D. Monte, direktor ng  Quezon Provincial Police Office ang mga suspek na miyembro ng Termite Gang sina Renz Orquia Arevalo, 19 anyos; Jerald Uylingco Abayon, 24 anyos; Kenneth Guban Altrecha, 44 anyos; Jim Lajato Sudario, 42 anyos; paang mga residente ng Upper Banlat Quezon City;  Gerald Catalan Germono, 37 anyos na residente ng Brgy. Navatat Basista Pangasinan; Ryan Lester Bueno Bigkas, 22 anyos na residente ng Maybunga, Pasig City at Ariel Najera Edjao Jr., 34 anyos na residente ng Purok 2 Brgy. Matake Capalonga Camarines Norte.

Ang nabanggit na Termite Gang ay napag alamang nag-ooperate sa iba’t ibang lugar sa CALABARZON at National Capital Region.

Ayon sa imbestigasyon, ang mga suspek ay nagpanggap na mga trabahador ng PLDT. Nagbukas at pumasok ang mga ito ng manhole sa kahabaan ng Gomez St. Brgy. 4 sa Lucena City.

Kasunod nito ay nahuli ng PLDT security personnel ang pagnanakaw ng mga suspek ng copper wiring at nagsumbong sa pulisya. Naaresto ang mga magnanakaw at nakuha sa kanila ang mga drilling equipment at mga copper wires at cables na nakalulan na sa isang Fuso WIng truck. 

Ang mga nadakip ay nakatakdang humarap sa kasong Robbery at kasalukuyang nasa pangangalaga ng Lucena City Police Station. (Photo credits: Quezon PPO)

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.